Monday, March 4, 2013

Unang hakbang sa pangarap na walang hanggan.

Unang Yugto

http://www.facebook.com/ggmaynopas  "When I grow up, I want to be a Lawyer. But, if I can't able to pursue my dreams, I want to work abroad."
http://www.facebook.com/ggmaynopas
   
 Yan ang lagi kong sinisulat noon. Simula ng ako'y nasa elementary hanggang sa mag-kolehiyo ako. Binigyan diin ko ang nasa huling talata.... teka, paano nga ba? paano nga ba ako makapunta sa ibang bansa? basta hindi ko yun alam noon.

Lumaki ako at nagka-isip.. unti-unti, naintindihan ko na ang lahat.... namulat ako sa mundo na aking ginagalawan... unti-unti, ninanamnam ko ang hirap ng sinasabi nilang miyembro ka ng "ASPO." alam mo ba ibig sabihin nyan? Bisayang lenggwahe yan, meaning Anak Sa Pobreng O*en... yun yun. Marami akong naririnig na balita mula sa ibayong dagat, patayan... kinakatay ang mga Pinoy. lalo na sa Mideast daw. ang mga balitang yun, unti-unti rin ay nagbibigay ng takot sakin, paano na ang pangarap kong makapunta sa abroad kung kinakatay naman pala ang mga Pinoy doon???.

Napanood ko yung "ANAK" ni ate Vi at Claudine, grabe.. balde-baldeng luha rin ang inilabas ko noon. ganon pala ang buhay sa Hongkong? nadagdagan ulit ang takot ko para sa aking pangarap. hanggang sa... nagka-anak ako. hmm... huwag mo ng itanong kung bakit.. syempre..nagpagawa ako!..  My son grew up... I saw him so potential... hindi sa dahil anak ko sya.. but, he is really is. gwapo at matalino. I mean, he's really a Jackpot.. lumalaki sya, sa  awa ng Dios, nabuhay ko sya... wala akong regular work, kasi wala akong tinapos.. kumbaga, diskarte lang ng kahenyuhan. Naalarma ako nung mag Grade 1 na sya. watching him sleeping... kinukurot ang puso ko... I mean, I have this instinct that... he is like talking to me while he's sleeping telling me, "Mama, what's your dreams for me?" he was so very charming and lovable, paano ko ba sya matitiis? I dont want him to experience what I have done.. and walk the path that I have... so, dahil sa anak ko... nakabuo ako ng decision.

+Davao InternationalAirport , hinatid nila ako, his teacher Mrs. Madulara. ayoko umiyak, ayoko makita nya.   

Novemeber 10, 2010. Lumapag ang +Cebu Pacific sa bansang Hong kong. at doon na nag-umpisa ang unang hakbang ko sa pangarap na walang hanggan.


 Isa lamang ako sa mga milyun-milyong Pilipino na nangangarap makaahon sa hirap, at ang unang karansan ko... sundan sa susunod na post.

sleep mode muna.

No comments:

Post a Comment