Thursday, March 14, 2013

Unang Gabi sa Hong Kong

November 10, 2010.. hapon nang lumapag ang eroplano namin sa HKIA, wait kami sa BURGER king.. kung saan, yun pala ang nagsisilbing waiting shed ng mga OFW...

Malula ka sa laki ng gusali, at lalo kang magugutom sa dami ng pagkain.. May Chinese guy na lumapit, namimigay daw xa HK sim ng Smart para sa mga bagong dating... free sim daw para may magamit, may libre $4 load. Kinaibigan ko sya, tig-iisa lang sana bigay.... pero humingi ako ng 15!! at napakalaki palang tulong yun kasi yun na nagamit ko pantawag sa Pinas.

Gutom na kami, dalawa lang kami from same agency, pero marami kaming kasabayan ng flight. kaya marami kaming tambay noon at kumakalam ang tyan sa gutom.

Sinundo na yung kaibigan ko, si ELSIE, tubong Mindanao din, from.Cagayan. Ambait nya lang, subrang laking naitulong nya sakin, bago nya aq iniwan, binigyan nya ako ng $50, akala ko, malaking pera na yun!! hindi pla... parang P50.00  lang din pala satin.

May Pinoy na lumapit sakin, we talk.. on tour sila ng pamilya nya papunta Dubai, stop over daw sila HK, hindi na nya ako tinanong, sabi nya punta daw kami 7-11, sunod lang din ako. Pagdating doon, sabi nya... "KUMUHA KA, YUNG GUSTO MO... AT BILANGIN MO ILAN KAYON LAHAT DOON.. ALAM KONG GUTOM NA KAYO. SIGE NA, NAPAGDAANAN KO ANG NAPAGDAANAN MO NGAYON... LAST 5 YEARS AGO,.... DITO RIN AKO... AT SA INUUPUAN MO... DYAN DIN AKO...IBINABALIK  KO LANG ANG TULONG SAKIN NOON."
wala  na akong nasabi pa kundi,  Salamat kuya... 

"Wag ka magpasalamat, kapag dumating ka  sa puntong ganito... doon kana bumawi."

almost 9pm  nang dumating sundo namin. Sabi nya, hindi nya raw alam na darating kami. so, umpisa na ang biyahe.

Pagdating  sa bhaus, sa NORTH POINT YUN... nakikita ko na kasi yung haus ngayun. Siksikan sila doon,  halo-halo na... Indonesian, Sri Lankan at Pinoy... ambabaho pa nila...  hindi mo alam saan mo ilalagay maleta mo, at hindi mo alam san mo ipupwesto ang katawan mo.. NO  SPACE FOR RENT IKA NGA....

Doon, umpisa na ang habag ko sa sarili ko... kulang na lang pumatong ka sa kasama mo, pra magkapwesto ka  at makatulog. Nasabi ko tuloy,  "SANA HINDI NALANG KAMI SINUNDO!"  Gutom kana, wala ka pang higaan. Ang hirap isnabin ng gutom.  naiiyak ka habang naririnig mo ang pagkalam ng sikmura mo, naisip ko na lang pakalmahin  ang sarili ko sa katagang: "KAILANGAN KONG MAGTIIS,  KUNG HINDI, ANG ANAK KO ANG MAGTITIIS NG GANITO.... DI BALENG AKO NA LANG MAHIRAPAN,  WAG LANG ANG PINAKAMAMAHAL KONG ANAK...."

No comments:

Post a Comment