Monday, March 25, 2013

SA DIOS ANG PAPURI (Dios ay Pag-ibig tune)

i
PAGSUBOK, kapag dumarating
sa ating buhay, wag bumigay.
Huwag kang manghihina, lumapit sa kanya,
Sya ay nakahandang umunawa.

ii

Kaibigan ko, kung minsan ay bigo.
Nasaktan man nila ang yong puso,
Hindi ka nag-iisa, lumapit sa kanya,
Sya ay nakahandang, umunawa.

(Koro)

Kahapon man tayo ay sinusubok,
kung natisod ka man at nagalusan.
Ang hapdi at kirot ay kalimutan,
Magsilbi sa kanya, magpatawad...

iii

Kaibigan ko,  patawad sa iyo,
kung nasaktan ko man, ang yong puso,
Ako'y nandito, nagmamahal sayo,
Nangangako na, MAGBABAGO...

(REPEAT KORO)

Ama naming lahat sayo Patawad,
Sa pagkukulang ko ika'y naging tapat.
Kaya kami ngayon, ay nagdiriwang,
Oh DIOS aming AMA,  DAKILA KA.

SA DIOS ANG PAPURI...
SA DIOS ANG PAPURI..
SA DIOS ANG.... PAPURI.

No comments:

Post a Comment